Dalagita, pinatay at posibleng ginahasa sa Leyte

By Kabie Aenlle September 11, 2017 - 04:23 AM

 

Isang 16-anyos na grade 10 student ang natagpuang patay at hinihinalang ginahasa, sa loob mismo ng kaniyang tahanan sa Brgy. Bonifacio sa Mayogra, Leyte.

Nagtamo ang katawan ng dalagita ng hindi bababa sa pitong tama ng saksak, at natagpuang wala nang damit pang-ibaba.

Ayon pa kay Mayogra Municipal Police Station chief Senior Supt. Ambrosio Demain, nabalian din ng leeg ang biktima.

Iniulat aniya ng isang barangay tanod sa pulis ang pangyayari, matapos nitong mapansin ang komosyon sa pagitan ng mga kaanak ng biktima sa kanilang bahay.

Sa panayam sa Inquirer, sinabi rin ni Demain na tanging ang biktima at kaniyang mga nakababatang kapatid ang naiiwan sa bahay dahil nagtatrabaho sa Maynila ang kanilang mga magulang.

Hindi pa nila natutukoy ang nasa likod ng nasabing krimen na posibleng sinamantala ang blackout na naganap sa lugar noong Sabado ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.