Hurricane Irma, nag-landfall na sa Florida Keys

By Jay Dones September 10, 2017 - 10:42 PM

 

Nagsimula nang bayuhin ng Hurricane Irma ang Florida Keys bitbit ang lakas ng hangin na aabot sa 215 kilomentro kada oras.

Ayon sa National Hurricane Center inaasahang mananatili ang malakas na hangin ng dulot ng naturang bagyo habang sinasagasaan nito ang Florida.

Libu libong mga residente na ang nananatili sa mga evacuation centers matapos mabigong makalabas ng Florida kahit nag-abiso na ang mga otoridad ng evacuation.

Sa ngayon, marami nang puno ang nabuwal sanhi ng malakas na hangin at ulan na dulot ng bagyo.

Ilang bahagi rin ng Florida ang nakaranas na ng pagbaha.

Una nang inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na lumikas pansamantala sa kanilang mga tahanan.

Gayunman, dahil sa lakas ng at lawak ng bagyo, aminado ang mga rescue teams na walang ligtas na lugar sa Florida kaya’t pinayuhan na lamang ng mga ito ang mga residente na maging todo-alerto sa epekto ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.