WATCH: Pamilya ng pulis na napatay sa anti-drug operation sa Caloocan City, nanawagan na itigil na ang war on drugs ng gobyerno

By Patrisse Villanueva September 10, 2017 - 05:29 PM

Labis ang paghihinagpis ng pamilyang naiwan ng pulis na napatay sa isang drug operation noong Huwebes, September 7 sa Caloocan City.

Matapos malaman ang balita sa trahedyang nangyari kay PO3 Junior Hilario, agaran lumuwas ng Maynila ang ina nitong si Lilia Hilario at kanyang mga kapatid mula sa Cordon, Isabela.

Samantala, ang naiwang anim na taong gulang na anak ni PO3 Hilario ay walang kamalay kamalay sa nangyari sa kanyang ama.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, binanggit ng ina ni PO3 Hilario ang huling pakiusap sa kanya ng anak.

Nagpahayag naman ng galit ang kapatid niyang si Jovilyn sa kawalan ng suporta at pag-iintindi mula sa mga tao.

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong nagtatanggol sa mga drug addict na napapatay.

Ngayon, nananawagan ang pamilya ni PO3 Hilario na sana ay matigil na ang mga patayang nagaganap sa nagpapatuloy na laban kontra iligal na droga.

Sa loob ng labing isang taong pagseserbisyo ni PO3 Hilario, hindi ito ang kanyang unang police operation pero ito ang naging dahilan ng kanyang huling serbisyo sa bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.