Opisyal ng Malacañang, iginiit na dapat nang patalsikin sa Senado si Trillanes

Posted in: Featured, Latest News, National

Opisyal ng Malacañang, iginiit na dapat nang patalsikin sa Senado si Trillanes

Panahon na umano para mapatalsik sa Senado si Senador Antonio Trillanes.

Ito ang sinabi ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo sabay tawag kay Trillanes na “walking robot” na wala na umanong ibang ginawa kundi ang sirain ang pangalan at intrigahin si Pangulong Duterte.

Paniwala ni Panelo, tama lamang ang isinampang ethics complaint laban sa kay Trillanes ni Senador Richard Gordon.

Iginiit din ni Panelo na walang basehan at pawang intriga lamang ang ipinupukol ng senador laban kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Ito ay nang sabihin ni Trillanes na miyembro ng drug Triad ang bise-alkalde.

Nakatatawa rin umano na ginawang basehan ni Trillanes ang Tatoo na may disenyong gradon ng batang Duterte para sabihin na miyembro na ito ng malaking drug syndicate.

Leave a comment