Magkapatid, patay makaraang magsaksakan sa Laguna

Posted in: Featured, Latest News, Provincial

Magkapatid, patay makaraang magsaksakan sa Laguna

Kapwa nasawi ang magkapatid na lalaki matapos magsaksakan sa Calauan, Laguna.

Nabatid mula sa pulisya na nag-iinuman ang magkapatid na sina Leonardo Lozano, 47 anyos at Ernesto , 64 kasama ang kanilang mga kaibigan nang magkapinunan na nauwi sa panaksak.

Una umanong bumunot ng patalim ang katatandang si Ernesto at inundayan nang saksak si Leonardo na gumanti rin nang saksak sa kapatid.

Kapwa ideneklarang dead-on-arrival ang dalawa sa pagamutan na parehong umanong may-alitan sa isat-isa.

Ang dalawa ay kapwa residente ng National Housing Authority Site 3 sa Barangay Sto. Tomas.

Leave a comment