Binatilyong testigo sa pagpatay kay Kian, dapat nasa kustodiya ng gobyerno ayon sa Palasyo

By Mariel Cruz September 10, 2017 - 05:22 PM

Dapat ay nasa kustodiya ng gobyerno ang menor de edad na testigo sa pagkakapatay kay Kian Delos Santos.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos mapunta sa kustodiya ng obispo sa Caloocan nasabing testigo.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na lahat ng mga testigo sa mga kaso ay dapat napupunta sa gobyerno lalo na kung isinailalim ang mga ito sa witness protection program.

Bagaman isang banal aniya na lugar ang Simbahan, kailangan pa rin sundin ang batas at ang tamang proseso sa nasabing usapin.

Hindi naman binanggit ni Andanar kung hihingin muli ng gobyerno ang kustodiya ng mga testigo.

Una nang humiling ng church custody ang ama ng 13 anyos na testigo sa Kian slay case kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David matapos makipagpulong ang kanyang anak sa obispo.

Kabilang ang nasabing binatilyo sa mga pinatawag ng Senado para tumestigo na binigyan ng baril at pinatay ng mga pulis si Kian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.