Dalawang-taong bata, hinalay at pinatay ng tiyuhin sa Muntinlupa

By Justinne Punsalang September 10, 2017 - 03:56 AM

Patay ang isang dalawang taong bata matapos itong halayin at pagsasaksakin ng sariling tiyuhin sa Muntinlupa.

Isang security guard ang nakakita sa isang duffle bag na naglalaman ng bangkay ng bata na nakabalot sa puting tela sa parking lot ng South Station sa Barangay Alabang.

Inaresto ng mga otoridad si Edgardo Mendoza, dalawamput siyam na taong gulang na tiyuhin ng bata.

Una nitong sinabi na nawawala ang kanyang pamangkin, ngunit nang lumaon ay inamin nito ang krimen.

Sa pahayag ni Mendoza sa mga otoridad, pinayagan siya ng mga magulang ng biktima na ipasyal ito. Ngunit dinala niya ang pamangkin sa isang motel sa Alabang kung saan pinainom niya ito ng gatas na may halong pintura.

Inamin rin ni Mendoza na hinalay pa niya ang pamangkin bago ito pagsasaksakin.

Matapos ang krimen ay nagpunta ito sa South Station para sumakay sa bus at dapat ay itatapon ang katawan ng bata sa Manila Bay.

Ayon sa security guard, hindi pinayagan ng kundoktor ng bus na isakay ni Mendoza ang duffle bag sa bus. Dahilan ito para iwanan ni Mendoza sa naturang terminal ang bag.

Ayon sa ina ng biktima na kapatid ni Mendoza, gumamit ito ng iligal na droga.

Haharap sa kasong rape at murder si Mendoza na kasalukuyang nakakulong sa Muntinlupa City Police Station.

TAGS: Muntinlupa City, Muntinlupa City Police, Muntinlupa City, Muntinlupa City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.