Isang lalaki, arestado matapos saksakin ang kinakasama sa Makati City

By Justinne Punsalang September 10, 2017 - 03:53 AM

Arestado ang isang lalaki matapos nitong pagsasaksakin ang kinakasama sa loob ng isang motel sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Errol Bautista, dalawamput dalawang taong gulang.

Ayon kay SPO3 Noel Pardiñas ng Makati City Police, nagcheck-in sa isang motel sa Makati si Bautista at ang kanyang kinakasama na si Russel Dingas, dalawamput anim na taong gulang.

Dito sila nagkaroon ng pagtatalo na nagresulta sa pananaksak ni Bautista kay Dingas gamit ang bubog ng basag na bote.

Mabilis namang naisugod si Dingas sa ospital, kung saan ito kasalukuyang nagpapagaling.

Base sa pagsisiyasat ng mga pulis, gumagamit ng iligal na droga ang suspek.

Natagpuan mula sa crime scene ang ilang mga drug paraphernalia na mayroon pang mga residue ng hinihinalang shabu.

TAGS: makati city, Makati Police, Pananaksak, makati city, Makati Police, Pananaksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.