5 miyembro ng robbery-holdup na nambibiktima sa mga bus sa EDSA, naaresto

By Jan Escosio September 08, 2017 - 01:55 PM

Kuha ni Jan Escosio

Pinaniniwalaang nalansag na ng Southern Police District (SPD) ang isang bus robbery-holdup group na may operasyon sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Tomas apolinario nagsagawa sila ng magkakahiwalay na operasyon sa Makati City at Taguig City.

Aniya kabilang sa kanilang mga naaresto ay ang itinuturong lider ng grupo na si Intoy Alao.

Sinabi naman ni Makati City Police Chief Sr. Supt. Gerry Umayao ang Mandaluyong City police ay nakaaresto ng dalawang miyembro ng Ilao Robbery Gang.

Banggit nito may mga biktima na positibong kinilala ang mga suspek.

Huling nangholdap ang grupo noong nakaraang Miyerkules, Sept. 6.

Mayroon din silang mga insidente ng panghoholdap noong August 29 at 30.


 

 

 

 

 

 

TAGS: bus, edsa, robbery holdup, SPD, bus, edsa, robbery holdup, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.