Nawawalang Grade 12 student sa Baguio City natagpuang patay

By Rohanissa Abbas September 07, 2017 - 03:42 PM

FB post

Natagpuan na isa nang malamig na bangkay ang nawawalang Grade 12 student na si Vaughn Carl Dicang sa isang creek sa Baguio City.

Sa inisyal na report ni Baguio City Police Chief Senior Superintendent Ramil Saculles, ang mga kamag-anak ng 17-taong gulang na lalaki ang nakadiskubre ng katawan nito.

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na detalye ang pulisya ukol sa dahilan ng pagkasawi nito.

Kasalukuyang isinasagawa ang pag-otopsiya sa mga labi ni Dicang.

Magugunitang nag-viral sa social media ang mga panawagan ng mga kaanak ng biktima nang mawala ito noong pang September 1.

Naganap ang kanyang pagkawala sa gitna ng mga balita tungkol sa sunud-sunod na pagkamatay ng ilang mga kabataan na kung saan ay iniuugnay ang kanilang pagkamatay sa mga pulis.

Huling nakita si Dicang na nakasuot ng kulay gray na jacket, dark pants at may dalang kulay pula na backpack.

TAGS: baguio city, dicang, ejk, science high school, baguio city, dicang, ejk, science high school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.