Nanay ni ‘Kulot’ umamin, panghoholdap ng taxi driver pinlano nina Carl Angelo at anak niyang si Reynaldo

By Jan Escosio, Mariel Cruz September 07, 2017 - 11:02 AM

PCO Photo

Inihayag ng nanay ng binatilyong si Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman na napag-alaman niyang mayroong plano si Carl Angelo Arnaiz na mang-holdap ng taxi driver noong gabi na napatay ito ng mga pulis sa isang shootout sa Caloocan City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa nanay ni alyas Kulot na si Lina Gabriel, sinabi niya na kinuwento sa kaniya ng isang kaibigan ng kanyang anak na nakilala lamang sa pangalang ‘MJ’ na planado na ang panghoholdap ng magkaibigan.

Pero tumanggi aniya ang kanyang anak na sumama kay Carl Angelo.

Binanggit din ni Gabriel na apat dapat ang makakasama ni Carl sa panghoholdap kasama na ang kanyang anak, pero umatras at umuwi na lang ang tatlo dahil sa takot.

Hindi naman naniniwala si Gabriel na magagawa ng kanyang anak na gumawa ng krimen, at hindi aniya sasama ito kung hindi niyaya ni Carl Angelo.

Sa sinumpaang salaysay ng mga pulis, nakasaad na hinoldap ni Carl Angelo ang taxi driver na si Tomas Bagcal sa C3 Road, Caloocan City.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: carl arnaiz, kulot, Radyo Inquirer, Reynaldo de Guzman, carl arnaiz, kulot, Radyo Inquirer, Reynaldo de Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.