Dalawa patay sa sunog sa Tondo

By Khyz Soberano September 07, 2017 - 04:07 AM

Kinumpirma ni Manila Fire Marshall Supt. Antonio Razal na dalawa ang naitalang patay sa sunog sa F. Varona Street Tondo, Maynila Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Venus Liqid, nasa 30 hanggang 35 taong gulang at at Althea Michelline Mae Diestro na tatlong taong gulang.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Hermignia Hipolito dakong alas 3:00 ng hapon.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa tirahan ng nasa
labing-apat na pamilya.

Naapula lamang ang sunog makalipas ang dalawang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.