Negosyante, patay sa pamamaril sa Quezon City

By Khyz Soberano September 07, 2017 - 04:26 AM

 

Kuha ni Khyz Soberano

Kinilala ang biktima na si Captain Joseph Gutierrez, limampung taong gulang, nagtatrabaho sa barko at isang businessman.

Lulan ng 2-door Mercedez Benz na may plakang 01018 ang biktima nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Maswerte namang nakaligtas sa pamamaril ang asawa nito at isa pang kasamahan.

Kwento ng mga hindi nagpakilalang saksi, tinutulungan ng kanyang asawa ang biktima na mag-park ng kanilang sasakyan nang bigla itong pagbabarilin ng isang naglalakad na lalaki.

Ayon kay SPO2 Arnold Reyes, OIC ng Fishermall PCP, hindi lamang isa ang suspek dahil mayroon pang nasa tatlo hanggang apat na nakamotor na lalaki ang naghihintay sa suspek sa katapat na restaurant.

Isinakay agad ang biktima sa tricycle at dinala sa Providence Hospital ngunit agad ding binawian ng buhay.

Narekober mula sa crime scene ang limang bala.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo ng pagpatay dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.