Bangkay ng 14 taong gulang na kasama ni Carl, natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija

By Jan Escosio, Len Montaño September 06, 2017 - 06:06 PM

Kuha ni Jan Escosio

Natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ng katorse anyos na si Reynaldo de Guzman na kasama ni Carl Angelo Arnaiz bago ito napatay ng mga pulis matapos umanong mangholdap ng taxi driver.

Positibong kinilala ni Ed de Guzman ang anak na nasa Dariz Funeral dahil sa marka nito sa leeg.

Sina Arnaiz at De Guzman ay nawala noong August 17 nang umalis sila sa kanilang mga bahay para bumili umano ng pagkain.

Una nang natagpuan ang bangkay ni Arnaiz sa isang punerarya sa Caloocan City sampung araw matapos itong mai-report na nawawala.

Ayon kay Gapan City Police Chief Supt. Peter Madria, nadiskubre ang bangkay ng binatilyo sa isang creek kaninang umaga at naireport sa pulisya pasado tanghali.

Ang bangkay ni De Guzman ay mayroong tatlumpung stab wounds at nakabalot ng packing tape ang ulo nito.

Agad na sumugod sa lugar ang mga magulang ni Reynaldo matapos na may magsabi sa kanila ukol sa natagpuang bangkay.

Una nang nangamba ang mga magulang ni De Guzman na baka patay na ito kasunod na rin ng nangyari kay Carl.

TAGS: carl angelo arnaiz, Gapan, nueva ecija, Reynaldo de Guzman, carl angelo arnaiz, Gapan, nueva ecija, Reynaldo de Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.