Mario Hernando namatay na

By Den Macaranas September 05, 2017 - 03:47 PM

Facebook photo

Sumakabilang-buhay na ang kilalang showbiz writer, movie critic at board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Mario A. Hernando.

Sa paunang report na nakuha ng Radyo Inquirer, kaninang umaga ay natagpuang walang malay si Hernando sa kanyang bahay sa Quezon City.

Kaagad na isinugod si Hernando sa Capital Medical Center sa Quezon City pero bigo ang mga duktor na siya ay ma-revive.

Sa social media post ng kanyang kaibigan na si Miguel Mendoza Anzurez ay kanyang sinabi na handa si Hernando na kaharapin ang kanyang laban sa sakit na cancer.

May balak pa sana ang kanyang mga kaanak at kaibigan na dalhin si Hernando sa Sydney, Australia sa susunod na taon para doon ipagamot.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang mga kaanak kaugnay sa kanyang magiging burol at araw ng libing.

TAGS: Board Member, mario hernando, MTRCB, showbiz writer, Board Member, mario hernando, MTRCB, showbiz writer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.