WATCH: 3 patay sa Makati matapos tambangan ng mga suspek na naka-uniporme ng pulis

By Cyrille Cupino September 05, 2017 - 03:20 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Tatlo ang patay matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect sa Sunrise St., Brgy. La Paz, Makati City.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynante Gutierrez alyas ‘Enan’, 32 anyos, Noriel Camposano alyas ‘Angit’, 38 anyos, at Robert Tuso, alyas ‘Berto’.

Ayon kay Sr. Insp. Val Mark Funelas, Makati City PCP 2 Commander, nakatanggap umano sila ng report na may naganap na insidente ng pamamaril sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing naka-tambay lamang ang mga biktima sa lugar nang bigla na lang pinagbabaril ng apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang apat na suspekn na pawang nakasuot ng uniporme na pang-pulis.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:

TAGS: makati city, Reynante Gutierrez, Sr. Insp. Val Mark Funelas, makati city, Reynante Gutierrez, Sr. Insp. Val Mark Funelas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.