Ilang barangay sa Caloocan at Malabon, 11-oras mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2017 - 07:52 AM

Magsasagawa ng service improvement projects ang Maynilad Water Services sa Caloocan City at Malabon City.

Dahil sa gagawing pagsasaayos, makakaranas ng pansamantalang paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa dalawang lungsod sa loob ng onse oras.

Magsisimula ang interruption, September 5 alas 8:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 7:00 ng umaga ng September 6.

Narito ang mga lugar na maaapektuhang barangay:

CALOOCAN

  • 1 to 14
  • 49
  • 52 to 78
  • 80
  • 93
  • 97 to 116
  • 121 to 124

MALABON:

  • Catmon
  • Longos
  • Tonsuya

Ayon sa Maynilad, maari pang ma-delay ang panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit ng tubig.

Pinayuhan na ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-imbak ng tubig.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, Malabon, maynilad, Radyo Inquirer, water service interruption, caloocan, Malabon, maynilad, Radyo Inquirer, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.