Ilang pasilidad itatayo ng gobyerno sa Pag-asa island

By Ricky Brozas September 03, 2017 - 03:11 PM SHARE(S):
FILE PHOTO

May basbas ng Department of National Defense o DND ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad sa Pag-asa island.

Kabilang sa mga itatayo sa isla ang rampa at Tarmac sa naturang teritoryo na bahagi ng West Philippine sea.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hirap lamang sa ngayon magdala ng construction materials sa lugar dahil sa maalon na karagatan.

Dapat kasi aniya ay noon pang Hunyo nasimulan ang pagpapatayo ng mga naturang pasilidad.

Kabilang sa development sa isla ay ang paglalagay ng military detachment at maliit na komunidad.

Una nang sinabi ng kalihim na maliban sa pagtatayo ng paliparan ay ang konstruksiyon din ng pier at mga commercial structures tulad ng ice plant para sa kapakinabangan ng mga residente roon at mga mangingisdang dumadaong sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.