WATCH: Mahigit 100 arestado sa simultaneous police operation sa Parañaque City

By Cyrille Cupino September 01, 2017 - 10:56 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang mahigit isandaang katao sa ikinasang simultaneous police operation sa Parañaque City.

Kabilang sa mga naaresto ang 11 may kasong iligal na droga, 8 ang sangkot sa iligal na sugal tulad ng cara y cruz at tong-its.

44 naman ang naaresto dahil sa paglabag sa ordinansa na pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at 12 ang arestado dahil walang damit pang-itaas.

55 namang mga menor-de-edad ang dinampot ng City Social Welfare and Development dahil sa paglabag sa ipinapatupad na curfew.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque City Police, ikinasa nila ang sabayang operasyon bilang bahagi pa rin ng mahigpit na pagpapatupad ng matagal nang batas at ordinansa ng lungsod.

Narito ang report ni Cyrille Cupino:

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oplan Galugad, paranaque city, Oplan Galugad, paranaque city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.