Dela Rosa sa pahayag ni Mabilog: The Lord is in command

By Chona Yu August 30, 2017 - 09:21 PM

“The Lord is in command.”

Ito ang reaksyon ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa kaugnay sa naging pahayag ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na kanyang ipinapanalangin ang kaligtasan ni Chief Inspector Jovie Espenido na una nang itinalagang officer-in-charge ng Iloilo City Police Office.

Ayon kay Dela Rosa, kanya ring uutusan si Espenido na manalangin para sa kaligtasan ni Mabilog.

Makailang beses nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa si Mabilog sa mga protector ng ilegal na droga sa Visayas region.

Ayon kay Dela Rosa, alam na ng Panginoon kung sino kina Mabilog at Espenido ang dapat na kampihan.

Sa ngayon, ayon kay Dela Rosa, nagsasagawa na sila ng case build up laban kay mabilog kung totoong sangkot ito sa operasyon ng ilegal na droga.

Dagdag ni Dela Rosa, kapag nakakuha na sila ng search warrant sa korte, ibig sabihin, matibay na ang kanilang kaso laban kay Mabilog.

TAGS: bato, dela rosa, espenido, iloilo city, mabilog, PNP, bato, dela rosa, espenido, iloilo city, mabilog, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.