Mga bahay ng may 80,000 pamilya tatamaan sa pagtatayo ng PNR Rail Project

By Erwiin Aguilon August 28, 2017 - 04:39 PM

Inquirer file photo

Mahigit 80,000 pamilya apektado ng PNR South at North Rail Project.

Aminado ang Department of Transportation na libu-libong pamilya ang maaapektuhan ng itatayong PNR North and South Rail Project na sisimulan sa mga susunod na buwan.

Sa pagdinig ng Kamara sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade, aabot sa humigit kumulang 82,000 ang mga pamilyang matatamaan ng P7 Billion PNR North and South project.

Kasama na sa pondo ang right of way payments para sa mga residenteng maaapektuhan dahil kukunin ang kanilang lupa.

Pero, hindi tulad sa DPWH na ang right of way payment ay may probisyong sinusunod kung saan kailangang magsumite ng requirement bago ma-release ang pondo, ang DOTr ay walang ganito.

Ang nasabing railway system ay dadaan ito sa Manila to Los Baños, Calamba to Batangas, kahabaan ng Quezon Province, Sorsogon at Camarines Sur.

Kinalampag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang ahensya na bago maisakatuparan ang mga proyekto ay dapat may tiyak na plano para sa mga maapektuhan nito.

TAGS: dotr, DPWH, PNR, dotr, DPWH, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.