3 patay, 2 sugatan sa tatlong magkakahiwalay na aksidente sa Pangasinan

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 05:39 PM

Patay ang tatlo katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa tatlong magkakahiwalay na aksidente sa kalsada sa Pangasinan.

Batay sa impormasyon, tumatawid ang biktimang si Rodrigo Vinuya, 58 yrs old, sa Manila North Road sa Barangay San Nicolas, bayan ng Villasis nang mabangga siya ng isang truck bandang 3:30 ng madaling araw.

Agad na isinugod si Vinuya sa isang ospital sa Urdaneta City pero hindi na umabot ng buhay.

Sa bayan naman ng San Jacinto, nasawi rin ang biktima na si Marvin Velasquez, 32 yrs old, makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa isang bakal na sign board sa Barangay Santa Maria bandang 9:50 ng gabi ng Sabado.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol si Velasquez sa kanyang motorsiklo nang paliko na ito sa pa-kurbang kalsada sa national highway.

Hindi na rin umabot ng buhay si Velasquez nang isugod ito sa ospital sa Mapandan.

Samantala, patay din matapos banggain ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid ang biktima na si Estanislao Esteves, 39 yrs old, sa Barangay Libsong bandang 10:05 ng umaga ng Sabado.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Ginebra Tominez at sakay na si Angelica Tominez dahil sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.