CGMA, binisita ang mga bakwit sa Iligan City

By Angellic Jordan August 27, 2017 - 05:37 PM

FILE PHOTO

Binisita ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mga bakwit na apektadong ng nagpapatuloy na giyera sa Marawi City.

Sa pagbisita sa Iligan City, katuwang ni CGMA na namahagi ng hygiene packs sina Iligan City Mayor Celso Regencia at Vice Mayor Jemar Vera Cruz sa National School of Fisheries sa Barangay Buru-un at Sta. Elena evacuation center.

Sa ngayon, mahigit 800 pamilya ang nananatili sa 5 evacuation center sa Iligan City habang 14,000 naman ang nananatili kasama ang kanilang mga kaanak.

Kilalang nanirahan ang dating pangulo sa lungsod sa kaniyang kabataan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.