Umano’y video ng pagpatay kay Kian Delos Santos, susuriin ng PAO

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 01:45 PM

FB Photo

Susuriin ng Public Attorney’s Office (PAO) ang cellphone ng isa sa mga saksi sa pagkakapatay sa binatilyong si Kian Delos Santos noong August 16.

Ayon sa PAO, posibleng makakuha sila ng mga panibagong ebidensya mula sa umano’y video ng krimen na nakuhanan sa naturang cellphone.

Sinabi ni PAO chief Persida Rueda-Acosta na sa ngayon ay hindi pa niya napapanood ang nasabing video na maaaring magsilbing material evidence para sa kaso.

Maaari din aniyang maging patunay ang nasabing video na ang saksi ay nasa crime scene nang maganap ang pagpatay kay Kian.

Una nang sinabi ni Atty. Acosta na ang kanilang kaso laban sa tatlong pulis-Caloocan ay malakas, lalo pa’t nasa kustodiya nila ang anim na testigo kabilang na ang nagmamay-ari sa cellphone.

Nanawagan naman ni Acosta sa iba pang saksi na lumabas na at makipag-ugnayan sa PAO sabay pagtitiyak sa kanilang proteksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.