Paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Kian Delos Santos, ipaubaya na sa batas – Palasyo

By Isa Avendaño-Umali August 27, 2017 - 01:43 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Umapela ang Malakanyang sa publiko na hayaang gumulong ang proseso sa kaso ng pagpatay kay Kian delos Santos.

Ang pahayag ay inilabas ng Palasyo matapos na mailibing ang 17-anyos na binatilyo na napatay sa isang anti-drug operations sa Caloocan City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naihatid na sa huling hantungan si Kian.

Mayroon na rin aniyang naisampang kaso laban sa mga pulis-Caloocan na dawit sa pagpsalang sa menor-de-edad.

Bukod dito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa krimen.

Aniya Abella, marapat na ipaubaya na sa mga otoridad at sa batas ang paghahanap ng hustisya para kay Kian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.