Pagkamatay ni Kian Delos Santos, dapat huli na ayon kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 01:40 PM

Hinimok ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard ang gobyerno ng Pilipinas na tiyakin na ang pagkamatay ng binatilyong si Kian Delos Santos ay huli na sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa kanyang tweet, nagpaabot ng pakikiramay si Callamard sa pamilya ni Kian na nailibing na kahapon sa La Loma Cemetery sa Caloocan.

Una nang inihayag ni Callamard na isang “murder” ang pagkakapatay sa binatilyo at nanawagan ng imbestigasyon sa naturang kaso.

Si Callamard ay kilala sa pagbatikos sa war on drugs ng Duterte administration.

Si Kian ay napatay sa isinagawang anti-drug operation ng mga pulis sa Caloocan noong August 16.

Iginiit ng mga pulis na nanlaban ang menor de edad na kilala umanong drug runner ng kanyang tatay at tiyuhin sa kanilang lugar.

Mariin naman itinanggi ng pamilya ni Kian ang nasabing mga akusasyon.

Samantala, hinikayat naman ng Palasyo ang publiko na magtiwala pa rin sa justice system sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Palasyo na ang pagkamatay ni Kian ay isang “wake-up call” para sa reporma sa gobyerno at mga law enforcement agency matapos makatanggap ng mga kritisismo ang Philippine National Police dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.