Manny Pacquiao, binanatan si Floyd Mayweather sa Twitter

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 11:02 AM

Nakatikim ng banat ang undefeated boxing champ na si Floyd Mayweather Jr. mula kay pambansang kamao Manny Pacquiao.

Sa social media, nagtweet si Mayweather, isang araw bago ang paghaharap nila ni Conor McGregor sa T Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Mayweather ang mga salitang “Talking doesn’t win fights”, na tila pinatutungkulan si McGregor.

Hindi pinalampas ni Pacquiao ang naturang tweet ng dating nakalaban kung saan sinagot naman niya ito ng mga salitang “But running does. God bless on your fight tonight!”.

Tila gustong sabihin ng Filipino boxing champ na ang pagtakbo lamang ang nagpapanalo kay Mayweather.

Ayon sa lumabas na report sa BleacherReport.com, burado na ang nasabing tweet na galing sa verified account ni Pacquiao.

Matatandaang sa nakaraang laban ng dalawa na itinuring na “Fight of the Century”, naging agresibo si Pacquiao pero pinairal ni Mayweather ang pagiging defensive boxer kung saan puro iwas ang ginawa sa mga suntok ng Filipino boxing icon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.