Magandang panahon, asahan sa buong bansa simula ngayong araw ayon sa PAGASA

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 10:12 AM

Inaasahang magiging maganda ang panahon simula ngayong araw sa buong bansa matapos makalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Jolina.

Ayon sa PAGASA, dahil sa paglabas ng bagyo sa bansa, inialas na ang lahat ng tropical cyclone warning signal at gale warning na itinaas sa ilang bahagi ng bansa.

Pero sinabi ng PAGASA na patuloy na makakaapekto ang southwest monsoon o hanging habagat sa Central at southern Luzon.

Dahil dito, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan dahil sa thunderstorms ang Ilocos region at mga lalawigan ng Zambales, Bataan at maging ang Metro Manila.

Pero nilinaw ng PAGASA na sasabay sa pag-alis ng bagyong Jolina sa PAR ang habagat.

Nangangahulugan aniya ito na makararanas ng magandang panahon ang buong bansa simula ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.