Ilang international flights sa NAIA, kanselado na dahil sa sama ng panahon

By Mariel Cruz August 27, 2017 - 10:08 AM

Dahil sa masamang panahon, kanselado na ang ilang international flights sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw.

Sa abiso na ng Manila International Airport Authority, kabilang sa mga kanseladong flights ay ang CX 918 at 919 Manila – Hongkong – Manila ng Cathay Pacific Airways.

Kanselado na rin ang PR 300 at 301 Manila – Hongkong – Manila, PR 318 at 319 Manila – Hongkong – Manila, at PR 382 Manila – Canton ng Philippine Airlines.

Ayon sa PAGASA, nakalabas na ng Philippinr area of responsibility ang bagyong Jolina.

Patuloy naman na makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon o hanging habagat.

Pero sinabi ng PAGASA na hihilahin ng bagyong Jolina ang habagat kung kaya’t asahan na din na gaganda ang panahon simula ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.