Mga abusadong driver ng pampublikong sasakyan, papatawan ng mas mabigat na parusa

By Mark Gene Makalalad August 25, 2017 - 04:45 PM

Nais ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga abusadong driver ng taxi, bus, jeep at TNVs.

Maglalabas ang LTFRB ng memorandum circular upang magpataw ng mas mahigpit na parusa sa mga abusadong driver ng mga public utility vehiles.

Sa punong balitaan, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na nagpasaklolo na sila sa Land Transportation Office o (LTO) upang isapinal na ang bagong kautusan sa mas maghigpit na parusa sa mga pasaway na driver sa PUVs.

Sa unang paglabag, ay papatawan ng tatlong buwang suspensyon ang lisensya ng driver.

Anim na buwan sa ikalawang paglabag at sa ikatlong paglabag, babawiin na ang kanyang lisenya.

Paliwanag ni Lizada, kadalasan sa reklamo ng mga mananakay ng taxi ay ang pamimili at pangongontrata.

Habang ang ilang pambulikong sasakyan tulad ng jeep, bus at tnvs ay ang pagiging arogante at bastos.

Ayon sa LTFRB, ginawa ang hakbang, upang mapatino ang mga pasaway na tsuper sa mga pampublikong sasakyan.

TAGS: Aileen Lizada, bus, Jeep, ltfrb, Taxi, TNVS, Aileen Lizada, bus, Jeep, ltfrb, Taxi, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.