2 patay, 56 istruktura napinsala sa magnitude 5.1 na lindol sa Ormoc, Leyte

By Chona Yu, Jay Dones August 24, 2017 - 04:05 AM

 

PHOTO CREDIT: Bernard Dosdos Denoy (Albuera, Leyte)

Patay ang dalawang katao samantalang nasa 56 bahay ang napinsala sa magnitude 5.1 na lindol na yumanig Miyerkules ng umaga sa Ormoc City, Leyte.

Nakilala ang mga nasawi na sina Maria Contreras Colasito, 51, ng Barangay Naunganbat at Rosita Baloro, 70, ng Barangay San Jose.

Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, nadulas at nabagok ang ulo ni Colasito habang inatake naman sa puso si Baloro habang tumatakbo habang kasagsagan ng lindol.

Aabot naman sa 56 na bahay ang nagkaroon ng pinsala sa Altavista village sa Ormoc City resulta ng lindol.

Patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaang lungsod sa mga apektadong pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.