2 pulis, umamin na sila ang umakbay kay Kian delos Santos

By Chona Yu August 23, 2017 - 03:49 AM

Inamin ng dalawa sa tatlong pulis ng na sila ang nasa CCTV footage na nakaakbay kay Kian Loyd Delos Santos ang binatilyong napatay sa ikinasang Oplan Galugad sa Caloocan City.

Ayon kay Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Attorney Alfegar Triambulo na ginawa ng dalawang pulis ang pag-amin matapos magsagawa ang kanilang hanay ng imbestigasyon.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Triambulo kung sino sa tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ang mga pulis na nakaakbay kay kian.

Una nang iginiit ng tatlong pulis na isang informant at hindi si Kian ang kanilang inaakbayan sa CCTV footage.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.