Barangay captain sa CamSur, nakaligtas sa ambush

By Kabie Aenlle August 23, 2017 - 03:38 AM

Mapalad na nakaligtas ang isang barangay captain sa bayan ng San Jose sa Camarines Sur, matapos siyang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek kagabi.

Ayon kay Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib ng Bicol police, pinagbabaril ng mga suspek si Barangay Chairman Noel Briones sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay San Vicente, pasado alas-7:00 ng gabi ng Martes.

Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad lang ang biktima malapit sa kaniyang bahay nang barilin siya ng mga suspek at tinamaan siya sa ulo.

Sa kabila nito, nakaligtas si Briones at kasalukuyang nasa Naga City Hospital.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.