Dalawang domestic flights, kanselado na dahil sa masamang panahon

By Mariel Cruz August 22, 2017 - 11:52 AM

Dahil sa masamang panahon, nag-anunsiyo na ang Manila International Airport Authority ng ilang kanseladong domestic flights ngayong araw, August 22.

Sa abiso ng MIAA, kanselado na ang 2P 2196 Laoag to Manila at 2P 2197 Manila to Laoag ng Philippine Airlines.

Sa weather bulletin ng PAGASA, patuloy na pinalalakas ng bagyong Isang ang Habagat habang binabagtas ang bahagi ng Batanes.

Huling namataan ang bagyo sa layong 60 kilometers west northwest ng Basco, Batanes.

Inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Isang mamayang gabi o bukas ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.