Sunud-sunod na pagpatay, posibleng state-sponsored ayon kay Sen. Lacson

By Ruel Perez August 21, 2017 - 02:12 PM

Hindi na matiyak ni Senator Ping Lacson kung tama at balido pa rin ang findings ng senate committee on justice noong isang taon tungkol sa mga pagpatay may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay Lacson, posible umanong Ng nangyayaring sunud-sunod na pagpatay ay alinsunod sa kumpas at dikta ng  palasyo o state-sponsored na.

Paliwanag ni Lacson, sa gagawin ng senado na pag-iimbestiga kasunod ng pagpatay sa Grade 11 na si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan, posibleng maiba ang findings ng pagdinig dahil na rin sa nakikitang pattern ng mga pagpatay.

Pagtitiyak ni Lacson, kapag napatunayang state-sponsored ang mga pagpatay, dito na kinakailangan manindigan ang senado bilang isang institusyon at tumiwalag sa pagsuporta kay Pangulong Duterte.

Bukas inaasahan na mairerefer sa komite ang resolusyon na napagkasunduan ng mayorya ng mga senador matapos magpatawag ng caucus ang liderato ng senado, para imbestigahan ang pagpatay kay Kian kung saan base sa 3-day notice rule, inaasahan na maisagawa ang pagdinig sa usapin sa Biyernes.

TAGS: kian delos santos, Pangulong Duterte, Sen. Ping Lacson, Senado, kian delos santos, Pangulong Duterte, Sen. Ping Lacson, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.