Bagyong Isang, lumakas pa; isa nang Tropical Storm

By Rhommel Balasbas August 21, 2017 - 12:17 AM

Lumakas pa ang Bagyong Isang at ganap nang isang Tropical Storm.

Sa briefing ng DOST-PAGASA alas-11 ng gabi, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 485 kilometro sa Silangan ng Batanes.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Taglay ng Bagyong Isang ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Inaasahang mas lalapit ang bagyo sa Batanes group of Islands Lunes ng gabi at may posibilidad na maglandfall.

Sa kasalukuyan, nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

– Batanes Group of Islands

– Babuyan Group of Islands.

TAGS: Bagyong Isang, batanes, Pag-asa, Tropical storm, Bagyong Isang, batanes, Pag-asa, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.