Kampo ng militar malapit sa Marawi City, inatake ng armadong grupo

By Mariel Cruz August 20, 2017 - 10:09 AM

FILE PHOTO

Inatake ng armadong grupo ang isang kampo ng militar na malapit sa Marawi City.Inatake ng armadong grupo ang isang kampo ng militar na malapit sa Marawi City.

Batay sa ulat, inatake ang detachment ng 55th Infantry Battalion na minamanduhan ng mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU.

Wala naman napaulat na militia ang nasugatan sa pag-atake.

Pinaniniwalaan na ang grupong umatake ay supporters ng ISIS-inspired Maute terror group sa Lanao del Sur.

Dahil dito, nagsagawa na ng pursuit operations ang pinagsanib na puwersa ng pulis at militar sa grupong umatake sa naturang kampo ng militar.

Pinaigting na rin ang seguridad sa paligid ng Marawi City kung saan nagpapatuloy ang bakbakan sa pagitan ng Maute at tropa ng pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.