3 pang Pinoy, nadagdag sa mga sugatan sa Barcelona

By Patrisse Villanueva August 19, 2017 - 12:31 AM

Nadagdagan ang bilang ng mg Pilipinong nasaktan matapos sumagasa ang isang van sa mga tao sa lungsod ng Barcelona sa Spain, Huwebes ng gabi.

Tatlo ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong nadamay sa insidente, bukod pa sa naibalitang mga nasugatan na isang Pilipino at mga anak nitong Irish citizens.

Kinumpirma naman ni Philippine Honorary Consul Jordi Puig na ligtas na sa kapamahakan ang pamilya.

Dalawa sa mga nadagdag sa listahan na nasugatan ay nakabase sa Milan, Italy na nagbakasyon lamang sa Barcelona.

Hindi naman malala ang natamong sugat ng dalawang Pilipino at pabalik na sa Milan.

Nagdeklara na si Spain Prime Minister Mariano Roy ng tatlong araw na national mourning habang iniimbestigahan ng mga pulis ang pag-atake na una nang isinalarawan bilang “jihadist terrorism.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.