Limang suspected terrorists, patay sa panibagong terror plot sa Barcelona

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2017 - 10:22 AM

(UPDATE) Matapos ang pag-atake sa La Rambla, Barcelona, Spain kung saan labingtatlo ang nasawi, nagkaroon ng panibagong tangkang pag-atake sa coastal town na Cambrils.

Kinumpirma ng Spanish police officers na napatay nila sa operasyon ang limang hinihinalang terorista.

Maglulunsad umano sana ng hiwalay na terror attack ang apat, pero naunahan sila at mabilis na nakaresponde ang mga pulis.

Ayon s amga otoridad, ang mga napatay na suspek ay armado ng bomb belts.

Tinangka umano ng mga terorista na sagasaan ang mga tao sa lugar gamit ang kotse at pinaniniwalaang papasabugin sana nila ang bomb belts kung saan maraming tao.

Bago ang operasyon sa Cambrils, nag-post sa twitter ang Catalan police at pinayuhan ang publiko na iwasan ang lugar dahil sa nagpapatuloy na police operation.

Pinayuhan din ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan.

Limang sibilyan at isang police officer ang nasugatan sa naharang na ikalawang pag-atake.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barcelona, cambrils, Terror attack, Barcelona, cambrils, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.