Faeldon, 3 beses nagtangkang magresign

By Chona Yu August 18, 2017 - 04:25 AM

 

Ibinunyag ni pangulong Rodrigo Duterte na tatlong beses nang naghain ng resignation si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa talumpati ng pangulo sa Ozamiz City kahapon, sinabi nitong hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Faeldon dahil kailangan niya ng matinong tao sa BOC.

Inamin daw ni Faeldon na hindi niya kayang kontrolin ang korupsyon sa ahensya.

Inilarawan pa ng pangulo na ‘hard core’ ang korupsyon sa BOC.

Inakala din ng pangulo na kaalyado niya ang mga taga-BOC pero mga kurakot din pala maliban kay Faeldon.

Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi naman niya dedepensahan si Faeldon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.