Duterte kay Joma: “Bugok ka”

By Den Macaranas August 17, 2017 - 05:06 PM

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “Bugok” si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.

“Ang gusto kasi ni Sison dapat maging miyembro ka ng NPA para matawag kang sosyalista, kundi ba naman siya bugok”, ayon sa pangulo.

Sa simula pa lamang ay sinabi na ng pangulo na tutol siya sa pag-gamit ng armas para maisulong ang adbokasiya ng isang grupo tulad ng mga komunista.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na bata pa lang siya ay alam na niya ang tunay na kalagayan ng bansa kaya hindi siya dapat pagmalakihan ni Sison.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga tauhan ng PNP sa Ozamiz City, sinabi ng pangulo dapat na mas maging maingat ang mga alagad ng batas laban sa mga miyembro ng CPP-NPA.

Pinayuhan niya ang mga tauhan ng PNP at AFP na huwag magpaka-dehado sa mga kalaban ng estado.

TAGS: AFP, duterte, Joma Sison, NPA, Ozamiz, PNP, AFP, duterte, Joma Sison, NPA, Ozamiz, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.