37, patay sa raid sa bilangguan sa Venezuela

August 17, 2017 - 08:38 AM

Umabot sa 37 ang nasawi sa magdamag na raid na isinagawa ng security forces ng pamahalaan ng Venezuela.

Naganap ang raid sa isa sa mga bilangguan sa bansa sa bayan ng Amazonas kung saan ang mga preso ay may access sa mga kontrabando kahit nakakulong.

Mismong si Amazonas Governor Liborio Guarulla ang nagkumpirma sa bilang ng mga nasawing preso.

Hindi naman naging malinaw ang naging proseso ng raid, pero ayon kay city council member Jose Mejias, magdamag silang nakarinig ng putukan sa loob ng kulungan.

Ani Mejias, pinasok ng security forces ng gobyerno ang kulungan para makuha ang kontrol dito.

Gayunman, pumalag umano at nanlaban ang mga preso.

 

 

 

TAGS: prison raid, Radyo Inquirer, venezuela, prison raid, Radyo Inquirer, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.