Parking boy sa Port Area, patay sa pamamaril

By Cyrille Cupino August 17, 2017 - 04:39 AM

Patay ang isang parking boy matapos tambangan sa kanto ng R.S. Oca at Delgado St., Pier South, Port Area, Manila.

Kinilala ang biktimang si Rodrigo Angeles, 45 anyos na nakatambay lamang sa tapat ng isang karinderya habang nanonood ng OTB nang tambangan ng di pa nakikilalang suspek.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Annie, nasa kalapit na tindahan lang siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Aminado ang ginang na gumagamit ng iligal na droga ang kanyang asawa, pero wala naman umano itong kaaway.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, naglalakad lamang ang nag-iisang suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente ng pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.