2 patay matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Malate, Maynila

By Cyrille Cupino August 17, 2017 - 04:38 AM

Bumulagta sa kanto ng Don Pedro at Bautista, Malate, Maynila ang dalawang hinihinalang drug suspect matapos maka-engkwentro ng mga pulis.

Ayon kay PCI Paul Sabulao, commander ng Arellano PCP, nagsasagawa ng OTBT operation ang kanyang mga tauhan nang makita ang dalawang suspek sa madilim na bahagi ng kalsada.

Nang makita ang mga rumurondang pulis, agad na nagpaputok ang mga suspek dahilan para gumanti sila at mapatay ang mga ito on-the-spot.

Hinala ni Sabulao, posibleng nag-aabang ang dalawa ng mga customer na bibili ng droga.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga suspect, na nakasuot ng dilaw na t-shirt at itim na pantalon ang isa, habang ang isa ay nakasuot ng blue na t-shirt at blue na shorts at tadtad ng tattoo sa binti.

Bukod pa rito, anim pang drug suspect ang nahuli ng mga pulis sa nasabing operasyon.

Hinihintay pa ngayon ang pagdating ng SOCO upang imbestigahan ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.