Gilas Pilipinas, bigo sa FIBA Asia 2017 dahil sa South Korea

By Kabie Aenlle August 17, 2017 - 04:20 AM

Photo from FIBA

Matapos ang sunud-sunod na panalo, nanatiling kahinaan ng Gilas Pilipinas ang South Korea matapos silang mapatumba nito sa kanilang quarterfinal duel sa 2017 FIBA Asia Cup na ginanap sa Beirut, Lebanon.

Nagtapos ang laban sa iskor na 118-86, pabor sa South Korea, na tumapos na rin sa pag-asa ng Gilas Pilipinas na magkaroon ng pagkakataong masungkit ang titulo.

Nauwi sa ikalimang place sa standings ang Gilas Pilipinas dahil sa pagkatalo na ito, kahit pa sunud-sunod ang kanilang panalo sa China, Iraq at Qatar.

Naging malaking problema para sa Gilas Pilipinas ang kanilang depensa kaya sila nalusutan ng South Korea.

Ang huling panalo ng Gilas Pilipinas laban sa South Korea ay noon pang FIBA Asia 2013, kung saan nakausad ang team na pinangunahan ni Jimmy Alapag sa Final.

Ang pinaka-mababa naman na standing na inabot ng Gilas bago ang resulta sa kanilang pinakahuling laban ay noong 2011 kung saan nauwi ang koponan sa fourth place.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.