Grade 9 pupil kulong sa ‘baon’ na baril

Posted in: Featured, Latest News, Provincial

Grade 9 pupil kulong sa ‘baon’ na baril

BURGOS, Pangasinan – Sa halip na libro ang hawak-hawak, mga rehas ang hinihimas ngayon ng isang binatilyo matapos madiskubre ang bitbit niyang baril sa kanilang classroom, dito.

Base sa ulat ng pulisya, napansin ng isang guro ng Jose Rivera Bonday National High School ang nakapansin sa kakaibang ikinikilos ng 16-anyos na si Danny (hindi tunay na pangalan) habang sila ay nasa kalagitnaan ng kanilang quiz.

Nang lapitan ng guro si Danny ay nakita nito ang baril sa loob ng bag ng estudyante.

Agad kinumpiska ng guro ang baril at nag-report sa barangay hall.

Pinag aaralan na ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms kay Danny at inaalam na rin kung sino ang may ari ng baril.

Leave a comment