3 suspected kidnapper, patay sa shootout

By Chona Yu August 16, 2017 - 02:52 PM SHARE(S):
Kuha ni Justinne Punsalang

BINAN City – Napatay ang tatlong diumanoy miyembro ng isang kidnap for ransom gang sa pakikipagbarilan sa mga operatiba ng PNP – Anti Kidnapping Group sa Barangay San Francisco.

Ayon kay Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP – AKG, magsasagawa sila ng rescue operation sa Southwoods City, sa naturang lugar, nang maganap ang engkuwentro.

Kuha ni Justinne Punsalang

Aniya hawak ng mga napatay na suspek ang isang Indian national, na ang pamilya ay hinihingian ng P20 million ransom.

Dagdag pa ni Dumlao magkakaroon sana ng ‘pay off’ ng ransom sa mga suspek sa sangay ng isang sikat na fastfood chain ngunit nangyari na ang engkuwentro.

Nailigtas naman ang hindi pa kinikilalang kidnap victim. (Chona Yu)

 

TAGS: Biñan, kidnap for ransom group, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.