Gilas Pilipinas, 3-0 sa Fiba Asia Cup Group B matapos talunin ang Qatar

By Jay Dones August 14, 2017 - 04:20 AM SHARE(S):

 

Fiba.com

Na-sweep na sa score na tatlong panalo at walang talo ang Group B sa 2017 Fiba Asia Cup matapos nitong talunin ang koponan ng Qatar.

Mga three points ang naging susi ng Gilas upang lamangan nito ng anim na puntos ang Qatar upang magtapos ang laban sa score na 80-74 sa laban na ginanap sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon, LInggo ng gabi, oras sa Pilipinas.

Kahit wala ang kanilang center na si Christian Standhardinger at Calvin Abueva, na nakaranas ng injury sa second quarter, naging masigasig pa rin ang koponan at ipinakita ang husay nito kontra sa mga manlalaro ng Qatar.

25 puntos ang ibinigay ni Matthew Wright na malaki ang naiambag upang maipanalo ang laban.

Matapos ang 3-0 sweep, aantayin na lamang ng Gilas Pilipinas kung sino sa Japan at Korea ang makakaharap nito sa quarterfinals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.