4 na armadong lalaki, patay sa shootout sa Quezon City

By Mariel Cruz August 13, 2017 - 09:29 AM SHARE(S):

Patay ang apat na armadong lalaki sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City, madaling araw ng Linggo.

Batay sa inisyal na impormasyon, isang shootout ang naganap sa kahabaan ng Road 11 sa Barangay Balingasa bandang alas tres ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nanlaban at nakipagpalitan ng putok ng baril ang apat na suspek na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.

Sinabi naman ni Police Supt. Robert Sales ng Quezon City Police Station 1 na nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong apat na armadong lalaki ang namataan sa Barangay Balingasa.

Dahil dito, agad aniyang rumesponde ang mga pulis, at nang makarating sa lugar at sinalubong sila ng putok ng baril mula sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang .45 caliber na baril, isang caliber .38 pistol, isang 9mm na baril, at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon pa kay Sales, nakatanggap din sila ng impormasyon na nagbebenta umano ang apat na suspek ng shabu sa naturang barangay bago ang engkwentro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.