Publiko, inabisuhang mag-ulat sakaling makakita ng sintomas ng bird flu virus

By Angellic Jordan August 13, 2017 - 09:26 AM

Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga residente na apektado ng avian flu outbreak sa San Luis, Pampanga na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling makakita ng simtomas nito.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, wala pang naiuulat na nakontaminang tao dahil sa naturang outbreak.

Inabisuhan rin nito ang mga residenteng napalapit sa mga kontaminadong manok na nagkaroon ng sakit na agad pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para sa dumaan sa laboratory test.

Sa kabila nito, hinikayat ng opisyal ang publiko na manatiling kalmado at maingat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.